Travel. News. Migrants. Economy. Health

Konsyumer ng Maynilad, nagulat sa kaniyang P100k water bill


Nagulantang ang isang konsyumer ng Maynilad matapos makita ang mahigit P100,000 water bill nito para sa buwan ng  Hulyo.


Ayon kay Dominic Songco, P100,427.48 umano ang naging halaga ng kaniyang pag-konsumo ng tubig mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 20. Ikinagulat niya ito dahil hindi naman lumalampas ng P3,000 ang kaniyang water bill mula pa noong ipatupad ang lockdown noong Marso.

“Ano ‘to Maynilad!!!? Inflatable pool lang gamit namin… pero ‘yung bill niyo sa’min para kaming may resort,” sabi ni Songco sa kaniyang Facebook post.

Inamin naman ng Maynilad ang maling reading nito matapos imbestigahan ang reklamo. 

“Iimbestigahan na lang namin ito at kung nakita na ‘yun talaga ‘yung actual na konsumo, ire-revise na lang namin. Tiyak na hindi ito aabot ng isandaang libo,” sabi ni Maynilad spokesman Zmel Grabillo.

Magmula noong nag-post si Songco sa social media, laksa-laksa na rin ang naghayag ng kanilang reklamo patungkol sa kanilang water bill na umaabot din ng P100,000.
Share:

No comments:

Post a comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive