Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Quezon City, maglalaan ng P700M pantulong sa mga maliliit na negosyo


Upang tulungang makabangon ang mga business owner at operator sa umiiral na krisis, inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang P700 million budget na gagawing wage subsidy para sa mga manggagawa ng micro and small enterprises (MSEs) sa susunod na tatlong buwan.


Ayon kay City Mayor Josefina Belmonte, ang nasabing pondo ay partikular na ilalaan sa "Kalingang QC Para sa Negosyo Program" na inilatag ng QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) at Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO).

"Ang programang ito ay layong tulungan ang ating mga micro and small entrepreneur sa pamamagitan ng pagbibigay ng wage subsidy nang sa gayon ay mapanatili nila ang kanilang mga empleyado at business operation hanggang sa makabangon sila. Sasagutin ng QC LGU ang 50 percent minimum wage sa susunod na tatlong buwan," sabi ng alkalde.

Pagpapaliwanag ni SBCDPO head Mona Celine Yap, ang mga kwalipikadong micro at small businesses gaya ng mga canteen, sari-sari store, laundry shop, at iba pa ay tatanggap ng wage subsidy mula Hulyo hanggang Septyembre. Dagdag niya, P200 million ang ilalaan ng city government para sa microenterprises at P500 million naman para sa small businesses.

Ayon kay Yap, maaaring mag-apply sa programa ang mga interesadong negosyo mula Hulyo 6 hanggang 20. Ngunit sa ngayon, hindi pa naglalabas ng guidelines at conditions ang QC para sa mga aplikante.
Share:

5 comments:

  1. Paano at saan po kaya mag aapply?small business po.

    ReplyDelete
  2. May sarisari store po rin kami,paano po mag apply po. Thanks

    ReplyDelete
  3. P.W.D. po ako sidewalk vendor ng mga paminta at bawang at ibapa.. nais ko po sana humingi ng pang kabuhayan.. gusto ko po sana mg karon ng puhunan para po maipuhunan ko sa pg ttinda ko. Nais ko din po sana mg lgay ng khit na maliit na sari2x store sa bahay ko para po my aasahan po ako pambili ng pg kain at iba pang panga2ilangan.. U-5 D.TUAZON COMPOUND IGULOT BOCAUE BULACAN..09354204422

    ReplyDelete
  4. Paano po kami makakapag apply wala na po kami business muka ng mag lockdown sa school po kami nagtitinda saan po makaka kuha form para makapag apply

    ReplyDelete
  5. saan po kmi mag apply at saan po kmi kukuha ng form

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive