Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

1 yr. old na bata patay matapos mahulog sa kanal


Patay na nang matagpuan ang isang taong gulang na bata matapos mahulog sa kanal sa Parañaque City, ayon sa ulat ng "24 Oras," Linggo (Agosto 2).


Kinilala ang bata bilang si John Angelo Bregino. Nahulog ito sa kanal bandang alas kwatro ng hapon noong Biyernes, (Hulyo 31).

Base sa ulat, naglalaba raw ang ina ni Bregino habang nasa trabaho naman ang kaniyang ama nang siya ay  mahulog.

Nagsagawa ng search operation ang awtoridad sa mismong araw ng insidente ngunit pagsapit ng alas dies ng gabi ay napagdesisyunan na itigil na muna ang paghahanap.

Kinabukasan ay ipinagpatuloy ng awtoridad ang operasyon. Nakarating ang mga ito hanggang Las Piñas at dito ay  natagpuan na ang bata na walang buhay.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive