Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

18 tao sa Maynila na nahuling nagbibilyar at nag-iinuman kahit pa may MECQ, arestado


Arestado ang 18 idibidwal matapos lumabag sa umiiral na modified enhanced community quarantine sa Sampaloc, Maynila.


Ayon sa ulat, nahuling nagbibilyar at nag-iinuman sa Barangay 423 Zone 23 at Barangay 436 Zone 44 ang mga naaresto.

Nakarating sa mga pulis ang balita matapos silang isumbong ng mga residenteng nakakita sa kanila. 

Ayon sa pulisya, bukod sa ordinansa laban sa social gathering, nilabag din daw ng mga naaresto ang panukalang nagbabawal sa pag-inom sa mga pampublikong lugar.

Hindi lang ngayon ang 18 indibidwal ang iniimbestigahan ng pulisya kung hindi maging ang may-ari bilyaran kung saan sila nahuli. Sa ilalim ng MECQ, kasama ang mga bilyaran sa mga hindi pa pwedeng mag-operate.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive