Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 tricycle driver nagrambolan matapos mag-agawan sa pasahero


Isang tricycle driver ang nagtamo ng tatlong saksak sa katawan matapos na makaawat ang kapwa driver dahil umano sa agawan sa pasahero sa San Carlos City, Pangasinan.


Ayon sa GMA Regional TV nitong Biyernes, Kinilala ang biktima na si Carlos Serrano III na dinala sa ospital at maayos na ang kanyang kalagayan.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay Bonificio, makikita si Serrano na may hawak ng kahoy at hinabol ang suspek na sinasabing armado naman ng gunting pero sa halip na tumakbo nang tuluyan, sinalubong ng suspek si Serrano at doon na siya inundayan ng mga saksak.

Hahabulin pa sana muli ni Serrano ang suspek na tumakas pero napatigil siya at napahawak sa katawan dahil na rin sa tinamo niyang sugat.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang nakatakas na salarin at sinampahan na rin ng kaukulang reklamo.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive