Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

63-anyos na lolo, pinagnakawan, pinatay at sinunog sa sariling tahanan


Biktima na si Raulito Aquino, 63-anyos na unang inakalang namatay sa nasunog niyang bahay ang natuklasang may karumal-dumal na krimen sa Maragondon, Cavite.


Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Huwebes, unang inakala na problema sa kable ng kuryente ang dahilan kung bakit nasunog ang bahay at nasawi ang biktima.

"Ako’y nagising. Pagbukas ko nga po ng pinto, narinig ko po ‘yung apoy ano hanggang doon sa taniman namin. Paglabas ko ho talaga, nasusunog na ho ‘yung kubo ni Tito Ollie,” sabi Girlie Gonzales.

Ngunit nang makita ng mga awtoridad, nakita na may mga saksak at taga sa  leeg at dibdib, at palo sa ulo ang biktima.

Matapos pinagsasaksak ang biktima ninakaw din ng mga suspect ang kaniyang wallet, dalawang cellphone, at gold necklace.

Ayon kay Gonzales, hindi raw sana dapat tutuloy ang biktima sa kaniyang resthouse ngunit sumama ang pakiramdan nito at doon nagpalipas ng magdamag.



Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive