Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

92-anyos na lola na-budol; P7-M na ipon natangay


Isang 92-anyos na lola na si Remedios Buizon ang nawalan ng P7 milyon sa Balagtas, Bulacan matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang, naaresto sa inilatag na entrapment operation ng mga pulis ang suspek na si Anthony Jitula, 24 anyos.


Ayon sa pulisya, isa si Jitula sa grupong nagsabwatan para tangayin ang mahigit P7 milyon na pinaghirapang ipunin ni Buizon sa higit 30 taong pagtatrabaho sa Amerika.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nakilala ni Buizon ang mga suspek nang bentahan siya ng mga ito ng mga home appliance nitong nakaraang buwan.

Mula raw noon ay nakipagkaibigan na ang grupo sa biktima at inalok siyang mag-invest sa mga home appliance.

“‘Di natin alam kung gaano kagaling ‘yong skill nila sa pag-convince pero na-convince kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawal,” ani Balagtas, Bulacan chief of police Police Major Neil Cruzado.

Payo naman ng biktima sa publiko; "Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo. ‘Wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ang tao, may mga walanghiya ngayon.”
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive