Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Huwag niyo pong tanggalin ang pagdarasal,' payo ni Alden Richards sa mga may pinagdadaanan


Ayon kay Alden Richards nakaranas din siya ng anxiety nang dahil sa COVID-19 pandemic ngunit nakatulong daw sa kaniya ang online games para malampasan ang anxiety sinabi niya ang ibang may pinagdadaanan ngayon na makipag-usap sa Diyos.


Nagsilbing sandalan niya ang paglalaro ng online games upang labanan ang anxiety, "Yung first week po ng lockdown parang wala pa pong effect nung pumapasok na yung second week, third week, sabi ko hindi na normal," saad ni Alden.

Pero naghintay siya ng mga mensahe sa mga taong may pinagdadaanan ngayon at sinabing patuloy na kausapin ang Diyos at ilabas ang bigat ng kalooban na kanilang nararamdaman, "Huwag niyo pong tatanggalin yung ugali ng pagdarasal. Kausapin n'yo po ang Diyos. Napakasarap kausapin po ni Lord," sabi ni Alden na lagi raw ginagawa kapag nag-iisa lang siya.

"Yung tenga naman po ng Diyos laging bukas 'yan. Sabihin mo lang lahat ng nasa loob mo para gumaan," dagdag pa niya.

Kasabay nito, ipinaliwanag naman ng isang  psychiatrist na bukod sa pagkakaroon ng makakausap, nakatutulong din ang pagkakaroon ng hobby o libangan ngayong may pandemic upang mapaglaban at malampasan ang anxiety.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive