Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kapitan at treasurer ng barangay, nahuling may ginagawang milagro sa online meeting


Huli sa akto ang isang barangay captain at treasurer na nagmimilagro sa kanilang conference meeting kasama ang iba pang mga opisyal.


Ang nasabing online meeting ay itinakda para sana mapag-usapan ang mga hakbang na isasagawa ng lugar kontra COVID-19, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, iba ang natunghayan ng mga kasama sa pagpupulong.

Sa video, makikita ang kapitan na si Jesus Estil na gumagawa ng malaswa kasama ang barangay treasurer na kaibigan pa mismo ng kaniyang asawa.

Ayon sa ulat, sinusubukang takpan ng kapitan ang camera ng kaniyang computer ngunit hindi niya alam na may iba pa palang camera na nakatutok sa kanila.

Dahil sa laswa ng pangyayari, idinulog ito ng mga residente kay Raffy Tulfo nang sa gayon ay agarang masibak ang dalawang opisyal sa kanilang puwesto.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive