Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaki arestado matapos hipuan ang isang dalagang nagja-jogging sa Pangasinan


Dinala sa himpilan ng pulisya ang 34-anyos na lalaki matapos yakapin at hipuan sa maselang bahagi ng katawan ang isang babaeng nagja-jogging lamang sa Mangaldan, Pangasinan.


Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan," kinilala ang lalaki bilang si Alvin Avache.

Aminado naman si Avache sa kaniyang nagawa dahil hindi na umano siya makapagpigil sa ganda ng dalaga. Saad pa niya, wala pa siyang asawa.

Depensa ni Avache, hindi niya sinasadya ang nangyari.

Samantala, hindi na interesado ang biktima na ituloy ang reklamo, ayon kay Police Lieutenant Joel Jugal, Deputy Officer ng Mangalda Police station.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive