Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lalaki sa LRT station, nanghihina na sa gutom habang nakahiga sa maliit na karton



Isang nakakaawang lalaki ang natutulog lang umano sa karton sa ibaba ng LRT station at halos wala na itong makain dahilan sa kapayatan ng pangangatawan at hindi na umano makatayo ang lalaki dahil nanghihina na ito wala ng lakas pa para makatayo.


Ayon sa nagpost na si Nicole Seña Del Barrio ay nakita nya ang lalaki sa Taft Avenue sa baba ng LRT station, naawa umano siya dito dahil nauulanan at naarawan ang lalaki sa kaniyang pwesto gamit lang ang hinihigaan nitong maliit na karton.

“Basa pa yung gilid ng damit niya. Hindi makatayo dahil nanghihina gawa ng sobrang payat na siya dahil hindi nakakakain ng maayos, Hoping may tumulong sakanya para makabalik sa pamilya or mapatignan ang kalagayan,” sinabi sa facebook post ni Nicole Seña Del Barrio.

Sinubukan daw kausapin ni Nicole ang lalaki ng bigyan niya ito ng pagkain ngunit hindi niya daw maintindihan dahil hirap daw umano itong magsalita sa sitwasyon nito.

“Nung binigyan namin siya ng pagkain tinanong namin para makakuha ng impormasyon pero hindi namin maintindihan ang sinasabi niya mahina na talaga at hirap magsalita, sana matulungan natin siya,” saad ni nicole.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive