Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pangangaliwa ng Mister, nabuking ni Misis matapos mahuli sa ilalim ng kama ng kabit


Nabuking ang pangangaliwa ng Mister matapos siyang mahuli ng kaniyang asawa, na kasalukuyang buntis, sa ilalim ng kama ng  hinihinalang nitong kabit.


Sa isang video na ibinahagi mismo ng Misis na si Josnel Cordova sa programa ni Raffy Tulfo, makikita ang mainit-init na eksena at tensyon sa pagitan niya, ng kabit na si Danica Casilag at Mister na si Generson Cordova.

Noong una ay sinubukan pang itanggi ng nakikiapid na si Danica ang akusasyon sa kaniya ngunit sa ginawang paghahalughog ni Josnel, nakumpirma niyang nasa kwarto nga ng kabit ang asawa at nagtatago lamang sa ilalim ng kama.

Ayon kay Josnel, dati nang nagharap ang tatlo sa barangay at kapwa napagkasunduan nina Danica at Generson na puputulin na nila ang anumang namamagitan sa kanila.

Samantala, bintang naman ng Mister, hindi niya anak ang nasa sinapupunan ng asawang si Josnel. Bilang resolusyon, hinikayat ni Tulfo ang mag-asawa na ipa-DNA ang bata.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive