Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Paninda ng siomai vendor nagkalat sa kalsada matapos itaob ng taga-baranggay


Maayos na nagtitinda ang isang siomai vendor sa Quezon City nang bigla na lamang itaob ng isang kawani ng barangay ang mga paninda nito dahil umano sa paglabag sa patakaran ng lugar.


Ayon sa saksi na nagbahagi ng pangyayari sa social media, ganap na 5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente sa BANAWE ORTHOPEDIC , COR. MARIA CLARA.

"Nakaka awa Lang si tropa SIOMAI nag hahanap buhay Ang tao , hirap mag hanap buhay sa kalsada. 5:20 Lang ito ngayare dito sa BANAWE ORTHOPEDIC , COR. MARIA CLARA," sabi ng uploader.

"Alam naman niya ang rules ng barangay STO.DOMINGO pero si kuya BPSO tinaob parin ang paninda nya. Siya po yung nasa picture .
Pa SHARE nlang po.
Tulungan naten si kuya siomai sa pag gamit ng SHARE maraming salamat," dagdag pa nito.

Noong Agosto 2, ay muling ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang modified enhanced community quarantine sa buong National Capital Region at iba pang karatig probinsiya mula Agosto 4 hanggang 18 alinsunod sa apela ng mga medical frontliners.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive