Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Criminology student patay matapos bugbugin ng kagawad sa Pangasinan


Patay ang isang criminology student na si Isagani Iligan at sugatan ang kanyang kaibigan dahil umano sa pambubugbog ng isang kagawad sa Manaoag, Pangasinan.


Miyerkules ng umaga na magkaangkas sa motorsiklo ang biktimang si Isagani Ilagan at ang kaniyang kaibigan, nang bumangga ang minamanehong motor sa barrier sa kalsada.

Kwento ng kapatid ni Isagani na si Anna Pauline, nabangga ng kanyang kapatid ang barnadilya, hinarang sila at saka pinaupo, Dun na umano pinagpapalo ng kagawad ang kaniyang kapatid at ang kasama.

Pahayag naman ng ina ng biktima, dapat panagutan ang gianawa ng kagawad sa anak niya, Kailangan daw munang ipa-autopsy ang katawan na kanyang anak. 

Kasalukuyang nagpapagaling pa sa ospital ang kasamang sugatan, itinanggi naman ng kagawad ang krimen at sinabing hindi niya magagawa ang bintang dahil paralisado ang isa sa kanayang mga kamay.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog archive