Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sen. Bong Revilla, nasasaktan umano sa mga humihiling ng kaniyang kamatayan


Emosyonal na ibinahagi ng senador na si Ramon "Bong" Revilla na siya ay apektado rin sa mga nagsasabi at humihiling na sana siya ay tuluyan ng bawian ng buhay ng COVID-19.


"Minsan po nakakalungkot. 'Yung ibang tao imbes na i-wish ka na gumaling ka, may nagwi-wish pa na mamatay ka na. Nakakalungkot. Pero ganunpaman, sa akin, pinapatawad ko sila 'di nila alam ang ginagawa nila," lahad ng senador.

Ayon kay Revilla, bagama't masasamang salita ang natatanggap niya sa mga tao, patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa mga ito.

Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang balitang patay na ang senador ngunit paglilinaw niya noong Biyernes (Agosto 28), siya ay buhay na buhay pa at hindi papadaig sa COVID-19.

“Sa mga pumapatay sa akin sa social media, sorry to disappoint. I’M ALIVE AND KICKING!” sabi nito sa isang facebook post.


Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive