Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Trillanes, kumpiyansang maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN sa taong 2022


Kumpiyansang isinaad ni dating senador Sonny Trillanes IV na maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN sa oras na manalo ang oposisyon sa taong 2022.


Sinambit ito ni Trillanes noong Sabado (Agosto 29), isang araw matapos mamaalam ang karamihan ng mga empleyado sa kompanya.

“Mark my words, ABSCBN’s franchise would be granted once the opposition wins in 2022,” sabi ni Trillanes sa isang twitter post.

Hindi pa rin tukoy hanggang ngayon kung sino nga ba ang mga oposisyon sa darating na 2022 ngunit marami ang nagsasabing isa sa mga kandidato ang ngayo'y bise presidente na si Leni Robredo.

Noong Hulyo ay matatandaang hindi inaprubahan ng House of Representatives ang panawagan ng ABS-CBN na para sa panibagong prangkisa.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive