Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

30-anyos na lalaki, itinuturong suspek sa panghahalay sa 17-anyos na dalaga


Isang 30-anyos na lalaki ang nagdurusa ngayon matapos siyang ireklamo ng panggagahasa sa isang 17- anyos na babae na nakasama niya sa isanv inuman sa birthday party sa San Fabian, Pangasinan.


Sinabi ng mga awtoridad na parehong dumalo at uminom ng alak sa naturang birthday party ang biktima at ang suspek, kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronald Disu, may apat na anak.

Nang magpunta umano sa banyo ang biktima na mag-isa, sumunod ang suspek at hinatak ang dalagita patungo sa isang inabandonang bahay at doon na ginahasa, hindi na nakayanan pang makapaglaban pa ang biktima dahil na rin sa kalasingan.

Sa loob ng kulungan, mariing itinanggi ni Disu ang paratang laban sa kaniya, "Kung may ginawa ako sa kaniya aaminin ko pero wala akong ginawa. Maawa ka naman, apat ang anak ko," pakiusap ng suspek na sinampahan na ng reklamong panggagahasa.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive