Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

ABS-CBN namigay ng ayuda sa mga jeepney driver sa Metro Manila


Laking pasasalamat ng mga jeepney driver sa Metro Manila matapos makatanggap ng ayuda mula sa programang Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN.


Kabilang sa mga nabigyan ng relief package ang tsuper at vice president ng Pasang Masda na si Jojo Martin. Aniya, nag-uumpisa pa lamang sana silang bumawi sa pamamasada nang biglang ipatupad ulit ang lockdown sa kanilang lugar.

"Ngayon sakay namin 50 percent nalang, walang nangyari. Ito na naman, lockdown na naman," sabi ni Martin.

Dahil dito, labis ang kaniyang tuwa ng isa siya sa mga naambunan ng ayuda mula sa kompanya. 

"Nagpapasalamat po kami sa Sagip Kapamilya dahil naramdaman namin 'yong taos-pusong pagbigay ng ayuda," saad niya.

Nagpasalamat naman ang ABS-CBN sa iba pang mga kompanya na tumulong sa paghahatid ng kaunting ginhawa sa mga jeepney driver. Kasalukuyan pa itng tumatanggap ng donasyon para sa kanilang Pantawid ng Pag-ibig program.
Share:

1 comment:

  1. Sana po kami din sir isa din ako talent sa abs cbn at nawalan ng trabaho po sana po matulungan ninyo po kami kahit kunting tulong lang po god bless sana all

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive