Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Babae sa Negros Occidental, pinatay at inilibing ng anak-anakan


Ayon sa ulat ng Unang balita nitong Huwebes, Patay ang isang babae matapos siyang sakalin ng kaniyang anak-anakan sa Cadiz,  Negros Occidental.


Naaktuhan pa ng mga kapitbahay ang suspek na si Angelito Sibuyan na hinuhukay ang paglilibingan ng biktima.

Inamin ni Angelito ang krimen. Aniya, hindi na raw siya nakapagpigil dahil lagi siyang minumura ng biktima.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder dahil sa pagpatay ng kanyang anak-anakan at ito ang krimen na may pinakamataas na posibleng parusang pinapayagan sa batas. 
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive