Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Binatilyo, patay matapos atakihin sa puso habang naglalaro ng online game


Hindi na naisalba ang 19 na taong gulang na lalaki mula sa San Fabian, Pangasinan matapos atakihin sa puso habang naglalaro ng online game sa isang computer shop.


Base sa ulat, naglalaro ang binatilyong si Erwin Biasura sa isang computer shop malapit sa kanilang tirahan sa Barangay Lekep-Butao nang bigla na lamang itong matumba.

Agad namang rumesponde ang kaniyang ama na si Samuel Biasura at dinala ito sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot ng buhay.

"Pinuntahan ko dito, wala nang pulso kasi. Ginawa ko rin 'yung magagawa ko, [hinihilot] ko 'yung puso niya para bumalik 'yung ano niya, wala na," sabi ng naulilang ama.

Kwento ni Mang Samuel, lagi raw puyat at pagod si Erwin sa kalalaro ng online game, ito ay sa kabila ng kaniyang karamdaman sa puso.

Paalala ng isang health officer sa lugar dapat na iwasan ang labis na pagpapagod, emosyon, at pagpupuyat ng mga taong may sakit sa puso.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive