Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DSWD nangakong aaksyunan ang mga reklamo kaugnay ng SAP


Nangako sa publiko ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutugunan nito ang lahat ng reklamong natatanggap kaugnay ng implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).


“Sa pamamagitan ng aming Agency Operations Center, patuloy po ang pag-sagot namin sa mga reklamo at hinaing na aming nakukuha sa iba’t ibang mga communication platforms," sabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista.

Inilabas niya ang pahayag na ito matapos punain ng mga mambabatas ang kapalpakan ng ahensyang aksyunan ang mga reklamo ng benepisyaryo dahil hindi umano ma-access ang mga hotline number nito para sa SAP.

Iginiit ni Bautista na magmula noong Hulyo 27 hanggang Agosto 16, mahigit 12,000 tawag, 90,000 emailed messages, at 110,000 na reklamo na ang natanggap ng DSWD.

Dagdag pa niya, maaaring magbigay ng katanungan at reaksyon ang publiko sa DSWD sa pamamagitan ng mga hotline na 0947-482-2864, 0916-247-1194, at 0932-933-3251 at landline numbers na 8931-81-01 to 07 local 555.

Share:

7 comments:

  1. ung mama q po hndi pa nkakakuha ng sap nakapag register na kmi sa sap pero ung conatact # sa sap form nwala po tapos ung nilagay q releaft agad # q active mattext pa po ba ang mama q name nya PAULITA D NILAYAN TIGA UPPER BICUTAN TAGUIG PO PLS PKI SAGOT PO MARAMING SALAMAT PO

    ReplyDelete
  2. Wala pa along natangap na tex

    ReplyDelete
  3. Sakin poh nasa list poh name ko.may ngtxt sakin.sabi d daw tugma ung pinil apan ko.gng ngayon.dp poh aq nakakakuha.sana matulungan nyo poh aq hirap poh kmi sa buhay.frim antipolo rizal

    ReplyDelete
  4. Naitxt na po ako ng EON. Nung aug8 kaso sept na po solo parent po ako at frrelance make up artist dahil po s bawal pa angass gatherings na syamg klase ng trabaho ko po wla ako work po o maraket d nmn po sasapat ang paunti unti kung pagtitinda may college po ako n oanganay maawa nmn po sna kayu #DSWD na maaksyunan po ito mas nauna pa po nyo mabigyan mas may kaya na tao eh mga nakaakkiha ng waitlistedayauaman s lugar po nminay mga negosyo asan nmn katarungan dito!!!!!? Malaki sna maitutulong po ng SAP AID na makkuha ko as solo parent po na may Health problem po pra nakapag start po ako ng puhunan at yung sosobra po s 8k pang bayad tuiton po s anak ko n nsa college...kya sna nmn po maitxt na po ako ulet pra s conformation at kung saan ko po maaring maclaim AYUDA ko po😞 nakikiusap po ako na maaksuyanan po ito SALAMAT PO

    ReplyDelete
  5. Yong asawa ko nka fill up din ng sap form n yan noong june 6 p pero hnggang ngayon wla man kmi nttanggap n text pareho kmimg wlang trabho ngayon dhil dto s pamdemya n to wla man lng update ang aming brgy.177 dto s caloocam north maypag asa p kyakmi

    ReplyDelete
  6. Sana nman po maaksyonan nyo po ung mga dpa nabbigyan katulad ko po inaasahan ko yan pambyad sa kuryente at tubig sumabay pa maynilad 9,400 ang bill ko sa maynilad

    ReplyDelete
  7. Brgy.176.Caloocan city.pinapaasa LNG ang mga benepisaryo ng SAP.GUTOM NA MGA TAO.IBIGAY NYO NAMAN NA ANG AMING AYUDA....

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive