Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Grade 12 student, roller blades ang gamit sa pagbebenta ng produkto


Viral ngayon ang larawan ng isang lalaki na may suot na roller blades habang naghahatid ng mga food order na nasa loob ng suot nitong grab food bag sa likuran.


Kinilala ang lalaki bilang si Kean Arcilla Ramos na nagbebenta ng coffee at chocolate jelly sa Cuyan at Tunasan area sa Muntinlupa. 

Ang grab food bag na suot ni Kean ay galing pala sa kaniyang ama na dating grab worker ngunit natigil dahil sa sakit sa prostate.

Ayon kay Kean, wala siyang motorsiklo o bisikleta na maaaring gamitin sa pag-deliver ng kaniyang mga pa-order kaya naman naisipan niya na gumamit na lamang ng roller blades na pinulot at ipinadala sa kaniya ng kaniyang tiyahin sa Singapore.

Naisipan daw niya na magsimula ng maliit na negosyo gamit ang kaniyang sariling pera upang matulungan ang kaniyang ama na may sakit.

Ang mga larawan ni Kean na viral ngayon sa social media ay kuha ng kaniyang ina na lubos na humahanga sa diskarte ng kaniyang anak.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive