Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Graduating student na pumunta ng Jolo para magtrabaho, patay sa pagsabog


Labis na hinagpis ang nadarama ngayon ng pamilya ng estudyanteng nasawi sa pagsabog matapos pumunta ng Jolo para magtrabaho.


Kwento ng kaniyang ina, pumunta ang 23-anyos na si Karelyn Nobleza sa Jolo upang makapagtrabaho at makapag-ipon ng pambili ng laptop para sa kaniyang nalalapit na online class.

"Nung March 17 po Ma'am, pumunta sila ron para magtulong...Dahil gusto niya po Ma'am makabili ng laptop," lahad ng kaniyang ina.

Isa si Karelyn sa mga sibilyan na nasawi sa naganap na unang pagsabog sa Seranta Street sa Jolo, Sulu noong Lunes (Agosto 24).

Kasalukuyang siyang nakapwesto sa tapat ng Paradise Food Plaza kasama ang kaniyang mga kaanak nang mangyari ang trahedya.

Share:

1 comment:

  1. Party tlaga Ng buhay ntin Yan wlang nkkaalam Kung kailan Tau ni Lord

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive