Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Kuya Wil, nakiusap sa mga jeepney driver na 'wag pumunta sa Wil tower para sa ayuda


Tutok to win host Willie Revillame nakikiusap sa mga jeepney driver na 'wag pumunta sa Wil tower para sa ayuda dahil ilang mga tsuper ang nagtungo sa Wil Tower kung saan ginagawa ang programa ng "Wowowin-Tutok To Win."


"Sa lahat po ng mga samahan ng drivers, 'yun pong mga namamalimos sa buong Pilipinas ho 'yan, inaayos na po namin ng aming lawyers at lawyers ng LTFRB," sabi ni Kuya Wil sa Wowowin-Tutok To Win.

"Kasi ho kailangan ho ito may proseso. Tatawagan po namin ang mga lider niyo para sila po ang magbibigay ng pinagkaloob kong P5 milyon. 'Yun pong P5 milyon sana po ay pagdamutan niyo na, pasensiyahan niyo na, 'yan muna ho ang maibibigay namin kasi sa tingin ko kailangan ho mabigyan muna kayo pambili niyo ng kailangan, bigas, pangkain at siyempre wala kayong mga biyahe ngayon," pahayag ng TV host.

Ayon kay kuya Wil dati rin itong 'barker' sa Caloocan City at naglinis ng jeep kaya nauunawaan niya ang kanilang nararamdaman.

May mensahe rin si kuya Wil sa kaniyang mga kritiko at wala siyang sama ng loob sa mga taong iba ang opinyon sa kaniya.

"Walang samaan ng loob dito. Kung anong tapon niyo sa akin, pagbalik ko sa inyo pagmamahal. We will kill you with love," nakangiting sinabi ni kuya Wil.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive