Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Panindang isda ng PWD, itinapon sa kalsada ng lasing na pulis


Nagkalat sa kalsada ang mga panindang isda ng isang lalaki na may kapansanan sa pagsasalita matapos umanong itumba ang lamesang pinagpapatungan ng mga ito ng isang lasing na pulis.


Dahil walang kalaban-laban, natulala na lamang ang tinderong PWD sa ginawa ng pulis sa kaniyang mga paninda.

Ayon sa nagbahagi ng post na si Olive Abiera, natural daw na mayabang ang nasabing pulis sa tuwing nakainom ito.

"Eto po yung may kapansanan na nagtitinda ng mga isda sa palengke, yung pulis na lasing tinumba at ikinalat sa kalsada ang paninda nya, mayabang pag nakainom ang tao na yun," sabi ni Olive sa kaniyang facebook post.

Marami ngayon sa mga netizen ang nagagalit sa inasal ng pulis lalo pa at ito dapat ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayaan sa kanilang lugar.
Share:

2 comments:

  1. Sa mga pulis na nagsisilbi sa mga mamayan...Sana Ang ipatupad niyo..batas na Patas at Hindi batas na marahas...para kaming mga mamayan na nagtrabaho at nagnegosyo Ng maayos Hindi mawalan Ng respeto sa inyo...sa mga pulis Sana dedikasyon sa trabaho ang patunayan at Hindi kawalanghiyaan Ang ginagawa sa mamayan

    ReplyDelete
  2. Agree aq sau kabayan. Sobra na ung mga pulis na gnyan dinadaan nla sa yabang dhil ba pulis cla? Imbis na tululong sa mamamayan

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive