Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sanggol patay matapos ihulog sa ikalawang palapag; suspek mag-live-in partner


Sa isang bahay sa Bagong Silangan, Quezon City, Natagpuang patay ang isang walong-buwang sanggol matapos umano itong ihulog mula sa pangalawang palapag.


Ayon sa ulat ng Unang Balita, dinala ng mga pulis sa Quezon City Police District Station 6 ang mag-live-in partner na pinaghihinalaang may kagagawan sa krimen.

Bumagsak umano sa isang bakanteng lote ang sanggol, at narinig pa umanong umiiyak ng isang security guard bago matagpuang patay ang biktima.

Isinugod umano sa ospital ang babae dahil bigla itong dinugo habang nasa istasyon ng pulis, Sa kabilang banda hindi pa nagbigay ng pahayag ang mga suspek. 
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive