Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sarah Balabagan, isiniwalat na si Arnold Clavio ang ama ng kaniyang panganay na anak


Pagkatapos ng 22 taon, isiniwalat ng dating overseas Filipino worker na si Sarah Balabagan na ang journalist na si Arnold Clavio ang ama ng kaniyang panganay na anak.


Sa isang facebook live video, sinabi ni Sarah na naisip niyang aminin ang lahat dahil sa isang "viral post" na nagsasabing iba ang ama ng kaniyang panganay na anak.

“Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po, siya po ang ama...It’s God’s will ng Panginoon (na gawin ko ito) para maitama ko na yung mga dapat itama…ang maituwid and dapat maituwid," lahad ni Sarah.

Nakilala ni Sarah si Arnold noong i-cover ng journalist ang kaniyang murder case noong 90's. Matatandaang nakulong si Sarah noong siya ay 14 na taong gulang sa Middle East matapos niyang saksakin ang kaniyang employer na nagtangkang gumahasa sa kaniya.

Nang matapos ang kaso ni Sarah, umuwi ito sa Pilipinas at dito na rin niya naka-relasyon si Arnold. Noong panahong iyong ay pinili ng dalawang na ilihim ang anumang namamagitan sa kanila.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive