Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

'Utos ng barangay': Bahay ng COVID-19 patients sa Pampanga, hinarangan ng yero


Labis na diskriminasyon ang naranasan ng ilang COVID-19 patients sa Pampanga matapos harangan at pakuan ng mga opisyal umano ng Barangay ang kani-kanilang tahanan ng yero nang sa gayon ay hindi sila makalabas at makahawa.


Base sa ulat, isang pasyente mula sa Guagua at Porac ang nabiktima ng diskriminasyon.

Panawagan ni Pampanga Governor Dennis Pineda sa publiko, habaan ang pasensiya at pang-unawa lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, maaaring i-report agad sa kapitolyo ang iba pang parehong diskriminasyon sa mga COVID-19 patient.

Samantala, ayon sa Pulisya ng Porac, agad na nilang pinatanggal ang mga yero sa mga taga-barangay nang mapag-alaman ang pangyayari.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive