Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Viral: Nurse na napadaan lang, nagpaanak ng street dweller sa kalsada


Marami ang humahanga ngayon sa  nurse na si Lorraine Pingol matapos tulungan ang street dweller na napaanak nang wala sa oras sa gilid ng kalsada noong Martes.


Kwento ni Lorraine, naglalakad siya papasok sa trabaho sa Osmeña Avenue sa Makati City nang bigla siyang tawagin ng mga barangay official na sumaklolo sa nanganganak na babae.

Kahit late na sa trabaho, agad na lumapit ang 29 na taong gulang na nurse at saka tinulungan ang ginang.

"Kapag may taong nangailangan sa amin whether inside or outside of work, we have to attend to those people in need. 'yon po ang sinumpaan namin," sabi ni Lorraine.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang nurse na sikat na siya sa social media lalo pa at ginawa niya lamang ang kaniyang tungkulin bilang isang health professional.
Share:

1 comment:

Popular Posts

Labels

Blog Archive