Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Masayang Birthday Celebration nauwi sa iyakan matapos pumanaw ang Ina ng debutante

 

Ang masaya sanang selebrasyon ng debutanteng si Lovely Jane Pio ay nauwi sa iyakan ng kanyang pamilya dahil ito rin ang araw na namayapa ang kanyang ina.


Ang kaniyang Ina ang mismong punong abala sa handaan ng espesyal na araw na iyon.


Sinabi ni Rose Jean Pio na ang kanilang ina ay inatake ng High Blood ng araw na iyon at agad pumanaw. 


Ang Mismong ina nila ang nagplano ng mahalagang okasyon sa kanilang pamilya.


Makikita sa larawan na bagamat ito ay araw ng pagluluksa ay itinuloy pa rin ng pamilya ang debut dahil ito ang kagustuhan ng ina, hinandugan nila ng awit ang bunsong anak na si Lovely ngunit di mapigilan ang dagsa ng luha ng mga oras na iyon.


"MAMA, Apat na letra na kahit kailanman hinde na namin makikita😞.


"Nagsilbing ilaw nang tahanan at nagtaguyod nang anim na anak hanggang sa huling hininga.


MAMA na madaling malapitan at makwentuhan nang mga problema. Ikaw ang patunay nang totoong pag mamahal nang isang ina.


"Kung ito man ang iyong paraan nang paglisan, wala kaming magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.


"MAMA, hanggang sa Muli, PAALAM.💔😞", ayon sa post ni Rose PioPio sa kaniyang facebook account.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive