Travel. News. Migrants. Economy. Health

Anak ng pulis na nasawi sa COVID-19, doble ang pasakit matapos dapuan rin ng virus


Dobleng dagok ang naranasan ni Bianca Lei Dela Rosa nang magpositibo ito sa COVID-19, ilang araw lamang matapos pumanaw ng kanyang pulis at frontliner na ama nang dahil din sa virus.


Magbuhat noong magkasakit ang ama, si Bianca na ang nag-alaga rito kung kaya alam niya ang hirap na dinanas nito sa virus. Kalaunan, ay nakaramdam din siya ng sintomas ng COVID-19 at kinuhanan siya ng swab test. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ay iyon na rin pala ang mismong araw ng pagpanaw ng kanyang ama.

Habang nagdadalamhati pa si Bianca at ang kanyang mga kapatid sa pagkawala ng kanila ama, noong Abril 5 ay nakumpirmang positibo na rin siya sa COVID-19.

"'Di ko po alam kung paano or kung saan ko ba kailangan magpagaling? Kung sa sakit ba na COVID-19 o sa sakit po noong pagkawala ni Papa," sabi ni Bianca

Matapos ang mahigit isang buwan na pag-isolate ng kanyang sarili, ay nagnegatibo na si Bianca sa virus. Mayo 5, nang maideklarang COVID-19 free si Bianca na positibo pa rin ang pananaw sa buhay.
Share:

No comments:

Post a comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive