Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Vico Sotto, Isko Moreno at Joy Belmonte nanguna sa top COVID-19 performers survey


Kabilang sina Mayor Vico Sotto ng Pasig, Joy Belmonte ng Quezon City, at Isko Moreno ng Maynila sa listahan ng mga lider na may pinakamainam na tugon sa umiiral na coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis, base sa isang survey result.


Ang survey na mayroon 3,000 respondents edad 18 hanggang 70, ay pinasimulan ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPDinc) mula Hunyo 10 hanggang 15.

Sa pagtatapos ng survey, ay nanguna si Sotto na nakalikom ng 86 percent approval rating mula sa 177 residente ng Pasig na nakilahok sa pagsisiyasat. Sinundan naman ito ni Belmonte, na mayroong 80 percent approval rating at ni Moreno na may 77 percent.

Sa kabilang banda, kinumpleto naman nina Mayor Marcelino Teodoro ng Marikina (74 percent) at Rex Gatchalian ng Valenzuela (72 percent) ang five top COVID-19 response performers.

Sa naganap na survey, ay siniyasat ang mga local chief executive ng mga kalahok sa kanilang pamumuno at pagmamando ng kasalukuyang krisis.

"The survey was conducted with the intention to reassess the efforts done by the local government units and its officials amidst the coronavirus pandemic,” saad ng RPDinc sa isang pahayag.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive