Travel. News. Migrants. Economy. Health

Babaeng maghahatid lang dapat ng pasahero, natagpuang patay sa sariling kotse


Tadtad ng saksak at patay na nang matagpuan ang isang babaeng driver sa kaniyang sariling kotse na nakitang nakabalandra sa Bypass Road Calamba, Laguna noong Linggo ng gabi.


Ayon sa ulat, kinilala ang biktima bilang si Jang Lucero, 34, na rumaraket bilang tagahatid ng mga pasahero matapos mawalan ng trabaho bunsod ng ipinatupad na lockdown.

Ayon sa kanyang nobya na si Meyah Amatorio, Linggo rin ng gabi nang magpaalam sa kaniya ang biktima na may ihahatid itong tatlong pasahero mula Laguna hanggang Gil Puyat sa Metro Manila.

Ngunit makalipas ang ilang oras, aniya, hindi na sumasagot si Jang sa kaniyang mga tawag hanggang sa pulis na ang kaniyang nakausap.

Sabi ni Meyang, wala naman itong naaalala na nakaalitan ni Jang. Samantala, labis naman ang pangungulila ng kanyang mga kaanak.

Sa ngayon ay patuloy na umiiral ang imbestigasyon sa krimen. Ayon sa mga pulis, wala naman sa mga gamit ni Jang ang nawala ngunit malaking palaisipan pa rin ang naging motibo sa pagpatay sa biktima.
Share:

No comments:

Post a comment

Search This Blog

Popular Posts

Labels

Blog Archive