Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

11-anyos na babaeng pipitas lang sana ng mangga, ginahasa


Sa barangay San Carlos City, Pangasinan may isang 11-anyos na batang babae ang ginahasa ng isang lalaki na napadaan lamang sa kanilang lugar, Naarestos ang suspect pero itinanggo niya ang paratang.


Ayon kay Russel Simorio sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, sinabi ng biktimang itinago sa pangalang "Jenny," na nagtungo siya sa isang manggahan na ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay sa Barangay Cobol para manguha sana ng bunga ng prutas.

Pero isang lalaking hindi niya kilala ang lumapit sa kaniya at dinala siya sa isa pang manggahan at doon na siya pinagsamantalahan.

Naaresto naman kinalaunan ang suspek na 42-anyos na lalaki, Itinanggi niya ang paratang at sinabing ang kulay lang ng kaniyang short ang naging palatandaan umano ng biktima kaya siya itinuro.

Labis naman ang galit ng ina ng biktima at nais niyang maparusahan at mabitay ang suspek dahil sa ginawa  sa kaniyang anak.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive