Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga tsismosa sa Cebu, hinuli ng awtoridad dahil sa paninirang puri


Sa tanggapan ng awtoridad ang bagsak ng dalawang ginang sa Bogo City, Cebu na sina Mary Grace Catapan, 21 at Jhallyn Gequillo Varga, 35, matapos ireklamo dahil sa pagiging tsismosa at paninirang puri.

Ayon sa biktima na si Aileen, hindi niya tunay na pangalan, napag-alaman niyang nagkakalat ng maling impormasyon ang dalawa patungkol sa kaniya sa isang group chat na may labing-isang miyembro noon pang taong 2017 hanggang 2018.

Ayon sa ulat, si Catapan at Varga ay mga magulang ng mga batang nag-aaral sa paaralan kung saan din pumapasok ang anak ni Aileen.

Mababasa sa group chat na sinasabihan ng dalawa si Aileen na nasisiraan na ng bait. Maging ang anak nito ay ginawang katuwaan matapos i-edit ang larawan nito at lagyan ng hindi kaaya-ayang caption.

Inaakusahan din nina Catapan at Varga na magnanakaw ang asawa ng biktima.

Hindi matanggap ni Aileen ang ginawang pag-aalipusta ng mga suspek sa kaniya at kaniyang pamilya kung kaya dumulog na ito sa kinauukulan.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive