Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

200k pamilya, tatanggap pa ng SAP aid: DSWD


Nasa 200,000 pang benepisyaryo ang inaasahang tatanggap ng ayuda upang makumpleto ang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Noong Martes (Septyembre 22), sinabi ng ahensiya na 13,906,075 na pamilya mula sa 14.1 target beneficiaries na ang nahatiran ng financial assistance mula sa SAP.

Sa kabuuan, nagkakahalaga na ng PHP83.1 billion ang nailabas na pondo ng DSWD.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, wala ng susunod na SAP sa taong 2021 dahil unti-unti ng nakakabangon ang bansa sa pinsalang dulot ng pandemya.

Dahil dito, saad ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, mas pagtutuunan na ng pansin ng ahensiya ang ibang pang programa nito gaya ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Share:

2 comments:

  1. Sana maman magkaroon na po sa manda wla parin papa ko
    Please

    ReplyDelete
  2. Ako PO kahit nung una Wala pa.may SAC- form pong Binigay skin.Ismael Kabiling Dionisio po Ang full name ko,52 yrs.Old Head of the Family.almost 14yrs.Na PO akong nagbabayad ng income tax,former OFW din PO ako,mga kapit Bahay ko PO nakatangap ng lahat ,bkit ako Wala pa.imposible naman pong Hindi ako QUALIFIED dahil TAX PAYER po nman ako,may maliliit pa po akong Anak,at malapit ng MANGANAK Ang ASAWA ko ngayong oktubre.Sabi po ni senator Bong Go at ng ating mahal na PANGULONG DUTERTE ANG AYUDA NA YAN AY GALING SA AMING MGA TAX PAYERS NG PILIPINAS,BKIT PO GANOON..09564952032 globe no. ko.Taga brgy. Apolonio Samson Quezon City po ako.SANA PO MABASA AT MAAKSIYONAN KAAGAD ANG COMMMENTS KONG ITO. God Bless po...Amen.

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive