Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mister, nagpakamatay dahil sa pangangaliwa ni Misis


Hindi na kinaya ng isang lalaki ang sakit na dulot ng pangangaliwa ng kaniyang asawa kaya naman napagdesisyunan nito na tuldukan na ang kaniyang sariling buhay.


Ayon sa isang Facebook post ni Ghing Padua, taong 2018 nang magsimulang magkaroon ng kabit ang babae ngunit dahil sa labis na pagmamahal ng mister, patuloy pa rin itong nagsumikap para sa kanilang pamilya.

Binabaliwala ng biktima ang pangangaliwa ng asawa hanggang sa lantaran na ito kung makipaglampungan sa kaniyang kabit.

Sa labis na pagkamartir ni Mister, siya na mismo ang nagkusa na ayusin ang kwartong tutuluyan ng kaniyang asawa at kabit nito.

Sinubukan dumulog ng kaawa-awang Mister sa programa ni Raffy Tulfo ngunit dahil sa depresyong dulot ng pananakit ng asawa, napagdesisyunan nitong wakasan nalang ang kaniyang sariling buhay.
Share:

1 comment:

  1. sana po makarating kay sir #raffytulfoinaction para kahit papano maparusahan sila

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog Archive