Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pinay OFW sinorpresa ng lifetime savings ng kaniyang amo dahil sa sipag at tyaga nito



Naguumapaw ang tuwa ng isang Filipina worker sa Dubai na si Avelina matapos siyang sorpresahin ng pagkakapal-kapal na salapi ng kaniyang amo bilang pagtanaw sa kaniyang sipag at tiyaga sa pagtatrabaho.


Ang amo ni Avelina, 50-anyos, ay ang sikat na content creator na kilala bilang Supercar Blondie. Dalawa at kalahating taon na itong naninilbihan dito upang mapag-aral ang kaniyang anak sa kolehiyo.


Ayon kay Supercar Blondie, halos lahat ng trabaho ay ginagawa ni Avelina. Umaakto ito bilang personal assistant, admin, taga-linis ng opisina at taga-alaga ng kanilang mga aso.


Dahil dito, aniya, maituturing niyang mahalagang bahagi ng Supercar Blondie family ang kaniyang Pinay employee.


Samantala, hindi tiyak kung magkano ba ang kabuuang halaga ng perang ibinigay kay Avelina ng kaniyang amo upang pangtustos sa pag-aaral sa kolehiyo ng kaniyang anak o di kaya naman ay pampagawa ng pinapangarap niyang bahay sa Pilipinas.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive