Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

14-anyos na babae, natagpuang patay at walang saplot sa sariling higaan; suspek nakatakas


Natagpuan sa higaan ang bangkay ng 14-anyos na dalagita na si Garlene Teria na nakagapos ang kamay at paa, may saksak sa leeg at walang saplot pang-ibaba sa kanilang bahay sa Pangarap Village, Caloocan City.


Alas-sais ng gabi nang umuwi ang kaniyang ina galing trabaho, ito na rin ang sandaling natagpuan nitong nakadapa umano sa higaan ang biktima. Suspek sa krimen ang kanilang kapitbahay na si Diomedes Liamez, na patuloy pa ring pinaghahanap.

"Sumisilip pala diyan sa bintana nila na sinisilip niya kung anong pinag-uusapan namin. Ang isip niya, siya ang pinagkwe-kwentuhan. Madalas ganon ang pinag -awayan namin. Pero kung tutuusin siya talaga 'yung gumagawa ng paraan para mag-away kami," sabi ni Mary Jean, ina ng biktima.

Ayon kay Mary Jean ilang beses na niyang nakaaway ang suspek. Isa na rito ang pagbibintang ng suspek sa kaniya bilang positibo sa coronavirus disease 2019.

"Sana naman makonsensya siya dahil wala naman kasalanan 'yung bata sa kaniya, walang kasalanan 'yung bata sa kaniya. Bakit niya ginawa 'yun," umiiyak na sabi ni Susie Dongoya, ang tiyahin ng biktima.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive