Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte malusog pa rin gaya ng ibang 75 years old: Palasyo


Sinigurado ng Malacañang sa publiko na wala dapat ipag-alala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nananatili itong malusog gaya ng ibang indibidwal na edad 75 years old.


“Just like any other 75-year-old, I think the President’s physical health is at 88 percent,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang radio interview.

Kamakailan lamang ay inamin ng Pangulo na siya ay may Buerger’s disease, Barrett’s esophagus at myasthenia gravis bukod sa migraine at pananakit ng katawan na kaniyang nararanasan bunsod ng kaniyang pagkaka-aksidente noong mga nakalipas na taon.

Pagkatapos ng kaniyang address para sa mga sundalo sa Zamboanga City noong Hulyo 3,  ay nanatili na sa Davao City  si Pres. Duterte at nakikita na lamang sa mga recorded public messages.

Paglilinaw ni Roque sa "unenergetic" o matamlay na itsura ng Pangulo noong siya ay nasa Zamboanga city, ito ay bunsod lamang ng kaniyang labis na pagkalungkot sa limang sundalong namatay matapos mabaril ng mga pulis sa Jolo, Sulu.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive