Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Raffy Tulfo, binigyan ng maayos na tirahan ang mag-asawang nakatira sa sirang kotse


Pinagkalooban ng bagong bahay ni Raffy Tulfo ang  mag-live in partner na sina Ramil Manyanita at Christina dela Cruz matapos makita ang larawan nila sa isang sirang sasakyan na kanilang tinitirhan.


Kwento ng dalawa, napilitan sila na tumira sa isang sirang sasakyan kasamang ang kanilang apat na alagang aso matapos silang palayasin sa dati nilang tirahan dahil wala na silang maibayad.

Wala silang ibang pagkakakitaan kung hindi ang pamamasura at pangangalakal sa kanilang lugar.

Dahil sa nahabag ang puso ni Raffy sa kwento ng dalawa, sagot na nito ang anim na buwang upa nila sa isang maayos at komportableng bahay. Bukod dito, ipinagkalooban pa sila ng pangkabuhayan nang sa gayon ay magkaroon sila ng bagong pagkakakitaan.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive