Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

1 patay, 1 sugatan sa away-magkapitbahay dahil sa ingay ng motorsiklo na nauwi sa pamamaril

71-anyos na lalaki, suspek sa pamamaril sa 2 niyang kapitbahay sa BF Resort Village sa Bgy. Talon Dos, Las Piñas City.


Nagreklamo ang suspek na si Ernesto Francisco sa ingay ng motorsiklo na dumaan harap ng bahay niya sa Abrille Street bandang tanghali, ayon kay Police Col. Rodel Pastor, hepe ng Las Piñas City police.


Nagkaroon ng komprontasyon sina Francisco nang magreklamo siya kina Dimatulac at sa kaibigan nitong si Dominic Duclayan, 38 anyos, ayon sa mga pulis.


Binatukan ni Francisco si Duclayan at sinubukang mamagitan ni Dimatulac, pero maya-maya naglabas ng baril ang suspek at pinaputukan sila, ayon naman kay Kagawad Tony Garcia ng Bgy. Talon Dos.


Tumakas sakay ng kanyang SUV si Francisco, Samantala, hindi na umabot nang buhay sa ospital si Dimatulac na tatlong beses tinamaan ng bala. 


Narekober ng SOCO ang 4 na basyo ng bala mula sa 9mm na baril. Hawak na ng pulisya si Francisco.

 

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive