Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

SAP cash aid muling ipamimigay sa isinusulong na Bayanihan 3

 


Muling makatatanggap ng tulong pinansiyal ang mga pamilyang Pilipino na apektado ng COVID-19 pandemic sa oras na miasabatas ang House Bill 8682 o Bayanihan to Arise as one Act.

Aabot sa P420 billion ang nakapaloob na pondo sa panukala. Ang P108 billion na parte nito ay mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa implementasyon ng panibagong Social Amelioration Progam (SAP).

Ang ibang porsyento ng pondo ay nakatakda namang mapakikinabangan ng mga negosyong labis na naapektuhan ng pandemya, mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, guro, imprastruktura, at bakuna laban sa COVID-19.

Giit ni House Speaker Lord Allan Velasco, isa sa mga may-akda ng panukala, hindi sapat ang tulong na naibigay ng gobyerno sa pamamagitan ng Bayanihan 1 at 2 kung kaya umaasa sila na susuportahan ng Palasyo at Pangulo ang Bayanihan 3.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 115 na kongresista ang nagpakita ng suporta sa House Bill 8682.

Share:

6 comments:

  1. Sana nga po maaprovan lalo po sa kagaya ng asawa ko na nawan ng trabaho ng dahil sa pandemic.lalot pinahhirapan kami ng meralco sa mga nagdaang bills.

    ReplyDelete
  2. Wala po Yong panglawa Sa amin Pero Yong una meron po Sana po ma pakinhgan at ma bigyan wala din po ka me pinag kukunan Nang penasiyal salamat po

    ReplyDelete
  3. Sana yun social pension maibigay na din 2yrs na ako di nakakatangap

    ReplyDelete
  4. ";_kunq maqbibiqay manlanq yan..Sana Naman di matulad sa dati..hanqqanq lista perma lanq..dswd smin pili2 kunq Sino anq malakas sa kanila pasok aqad kahit may Kaya..kami mqa mahihirap Wala..

    ReplyDelete
  5. sana nman mka sama na ang pangalan ko sa ayuda na yan kc simula ng mag umpisa ang pandemya wla kmi ntanggap na financial aid mula sa gobyerno

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog archive