Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Dating OFW at single mother naggraduate bilang Cum Laude sa edad na 42


Hindi pa huli ang lahat para sa isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na makapagtapos ng kolehiyo.  Sa kabutihang palad, nagtapos ito ng pagaaral at bilang isang cum laude.


Si Michelle Sison, 42 taong gulang na ex-OFW at single mother ay nagtapos ng degree sa Secondary Education sa National Teachers College (NTC).  Hindi lang iyon, siya ay iginawad din cum laude ng institusyon.

Dahil siya ang pinganay sa limang anak, nagpasya si Sison na magtrabaho nang maaga upang suportahan ang kanyang mga nakababatang kapatid. Noong nakapagtapos na ang kanyang mga kapatid, nagpasya siyang magaral muli upang siya naman ang makatapos ng kanyang pag-aaral.  


''Walang maayos na trabaho mga magulang ko. May isa akong kapatid ngayon na teacher din, isa siya sa tumulong sa akin para ako naman ang mag-aral'' sabi ni Sison.

Ginawaran din si Sini ng 'Gawad Haraya' ng NTC, isa ito sa pinakamataas na award ng naturang eskwelahan.


''Sa lahat, huwag mawalan ng pag-asa kasi kapag gusto ay makakamit natin ang ating mga pangarap,” sabi ni Sison.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive