Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Security guard na nang-hostage ng doktor nagpositibo sa COVID-19


Nagpositibo sa COVID-19 ang security guard na si Hilarion Achondo, 51 anyos, na nang-hostage ng isang doktor sa East Avenue Medical Center noong Miyerkules (Hulyo 2).


Pumunta ang suspek  sa naturang pagamutan para ipatingin ang tinamo niyang sugat mula sa pagkakaaksidente sa motorsiklo ngunit bigla nalang nitong tinutukan ng syringe sa leeg at hinostage ang gumagamot sa kaniyang doktor.

Makalipas ang lima hanggang 10 minuto, ay napasuko naman umano ang suspek at dinala sa Quezon City Police Department Criminal Investigation Detection Unit  kasama ang doktor para sa imbestigasyon.

Sa ulat ng DZBB, dumadaing umano ng paninikip ng dibdib si Achondo  dahilan para dalhin siya sa Quirino Memorial Medical Center. Doon ay sumailalim siya sa swab test at natunghayang positibo nga siya sa sakit.

Ayon kay NCRPO chief Debold Sinas, kasalukayan nang naka-quarantine ang sampung pulis na nakasalamuha ni Achondo
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive