Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bagong silang na sanggol, isinilid sa bag at iniwan sa tapat ng isang bahay sa Cavite

Nagulantang ang isang pamilya sa Imus, Cavite matapos matagpuan ang isang bagong silang na sanggol sa tapat ng kanilang bahay na nakasilid sa isang bag.


Ayon sa netizen na si Winnie Lyn De Leon, narinig niya at ng kaniyang kapitbahay ang iyak ng isang sanggol sa tapat ng isang bahay sa subdivision bandang alas onse ng umaga.


Aniya, nakita ang isang tila bagong silang na sanggol sa isang kulay violet na bag na may kasamang gatas na nakatimpla sa isang baby bottle.


Sa isang CCTV footage, isang lalakig nakabisikleta ang nakitang nag-iwan sa sanggol ganap na 3:30 ng madaling araw.


Ayon naman sa Social Worker na siyang kumupkop sa sanggol, nasa maayos na kondisyon na ito at kasalukuyang binabantayan ng nakatokang house parent sa kanilang pasilidad.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Blog archive