Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Bata na naoperahan dahil sa luslos, malaking pera ang kailangan para mailabas sa ospital


Humihingi ngayon ng tulong pinansiyal ang mga kaanak ng isang taon at siyam na buwang gulang na bata nang sa gayon ay mailabas na siya sa ospital at maiuwi sa kanilang tahanan.


Ayon sa tiyahin, kagagaling lamang sa operasyon ni Raixel Rivera dahil sa luslos at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin siya ng mga doktor. 

Kasalukuyang nasa Golden Gate Batangas Hospital si Baby Raixel at mahigit kumulang P140,000 ang kailangan upang mailabas siya sa ospital.

Wala ng iba pang malalapitan ang pamilya ng bata kung kaya naisipan na lamang nilang humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media.

"Kahit anong halaga ay malaking tulong na po sa'min. Kahit po yung barya barya niyo sa gcash niyo ay sobrang laking tulong na po," pagbabahagi ng tiyahin ng bata.

Sa mga nais tumulong, maaaring magpadala sa Gcash account ni Aldrin Anthony Rivera sa mga numerong 09174549056.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive