Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mga kawatan, sinunog matapos pagnakawan ang isang bodega sa Parañaque


Isang bodega na dating laundry shop sa Parañaque City ang napabalitang nilooban at sinunog ng mga hindi pa nakikilalang suspek.


Ayon sa may-ari ng bodega na si Maria Lourdes Villaroman, kapansin-pansin daw na wala na ang refrigerator at gas range oven na matagal ng nakaimbak sa bodega.

"Ang reason dito, obvious na obvious, wala yung refrigirator. Eh bago masunog ang refrigerator na dalawahan, makikita mo naman nakatayo pa," paglalahad ni Lourdes.

Suspetya niya, ninakaw muna ng mga kawatan ang mga appliances bago sinunog ang naturang bodega. 

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan ngunit may ilang mga bahay ang nadamay sa sunog na nagdulot din ng humigit kumulang P300,000 na halaga ng pinsala.
Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive