Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Rider, sumemplang muna at sugatan bago naihatid ang order ng customer dahil sa matinding ulan


Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, nagpatuloy pa rin sa byahe ang isang tapat na rider maihatid lamang ang order ng isang customer.


Dahil sa dulas ng kalsada dulot ng ulan, hindi na nakontrol ng rider ang pagsempleng nito dahilan upang magtamo ng ilang sugat.

Sa halip na mag-aalala at pumunta sa ospital upang ipatingin ang kaniyang mga sugat, ay inuna niya pang ihatid ang order na pagkain ng isang customer.

Isang netizen ang naantig sa dedikasyon at katapatan sa trabaho ng rider kung kaya ibinahagi niya ito sa social media.

Marami ngayon ang naghihikayat na huwag maliitin at lokohin ang mga food delivery rider dahil sa kanilang tapang at tyaga sa pagtatrabaho sa kabila ng pandemya.

Share:

No comments:

Post a comment

Popular Posts

Labels

Blog Archive