Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lola, pinalayas sa sariling bahay at lupa ng matapobre na anak


Napalayas ang 84 na taong gulang na matanda sa kaniyang sariling bahay at lupa matapos itong pwersahang paalisin ng anak na may asawa palang foreigner.


Kasalukuyan ngayong nanunuluyan ang matanda sa bahay  ng isa pa nitong anak na si Dana Bautista na nakararanas din ng panggigipit mula sa sariling kapatid.

Ayon kay Dana, pinatituluhan ng kaniyang kapatid ang lupa ng kanilang ina na walang pasabi kung kaya malakas ang loob nitong paalisin ang ina na may karamdaman.

Dagdag pa ni Dana, maging siya ay pinalalayas na rin ng kapatid dahil inaangkin nito ang lupa na kinatitirikan ng kaniyang tirahan.

"Humihingi po kami Ng tulong, Ito Ang aking nanay, 84 years old na siya at may karamdaman. Dito siya sakin nakatira ngayon dahil pnalayas siya Ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili Niyang bahay at lupa," pagbabahagi ni Dana sa kaniyang social media post.

Humihingi ngayon ng tulong si Dana kung ano ang nararapat na gawin lalo pa at idedemanda raw sila ng kanilang kapatid kung hindi pa sila aalis sa kanilang tinitirhan.
Share:

5 comments:

  1. Wla siyang karapatan na palayasin ang inyong ina sa sariling bahay, anong klase siyang anak at kapatid at nagawa niyang tratuhin ng ganyan ang kanyang sariling ina? Dhil lng ba sa mayaman na siya?? Kung ako sau, gumawa ka ng paraan na makarating ito ke sir raffy tulfo, tyak matutulungan ung nanay mo laban sa demonyo mong kapatid na wlang puso!!!

    ReplyDelete
  2. Pa tulfo mo yan walang awa s sarili nyang magulang at kapatid .

    ReplyDelete
  3. San ba mkikita ang anak nyang ngpalyas s kanya..." S a k t a n n a Y a n "

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng araw ko, ng mbsa q toh, cicirain q ng buhay q Masaktan lng kta Hayop k wla kng kwentang Tao..,Gigil mo qoh!!!!

    ReplyDelete
  5. walang pusot kaluluwa yang ganyang klaseng anak at kapatid,pagsisisihan mo yang ginawa mong kasamaan sa Nanay at kapatid mo.

    ReplyDelete

Popular Posts

Labels

Blog archive